Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Re: Comelec Eyes Mobile App for Voting
by
AniviaBtc
on 01/03/2020, 15:56:11 UTC
⭐ Merited by Bitcoinislife09 (1)
Very risky move to be honest dahil sa nakikita ko ngayon mejo incompetent parin ang IT ng gobyerno.


[1] https://en.wikipedia.org/wiki/Commission_on_Elections_data_breach

100% agree on this.  At isa pa lalong magkakaroon ng dayaan dyan.  Tataas lang ang bentahan ng mga mobile phones at mamahal ang presyo nito dahil obligado na ang lahat na bumili ng mobile phone.  Mas madali na ring manipulahin ang result ng halalan.  Sa ngayon, with the capacity at capability ng Technology ng Pinas, hindi pa kayang iimplement ang ganitong mga proyekto.   Kahit na ioutsource nila ito sa mga capable na company sa ibang bansa,  hindi pa rin tayo nakakasiguro sa credibility na mangyayari sa halalan, like dun sa possible na dayaan na ngyari noong nakaraang halalan, in just a simple script nabago resulta ng election.
Kaya nga,  napakalaking dayaan ang maaaring mangyari. Lalong makakalamang ang mga may pera o nakakataas sa lipunan. Gaya din ng sabi mo hindi lahat may kakayahan makabili ng cellphone at alam gamitin ito.  Magiging problema to para sa mga katutubo.

Yung mga secured na applications nga sa internet nahahack pa din ng hackers eh yan pa kayang mobile app for voting na bagong gawa lang. If bagong gawa lang yan, marami pang butas yan at napakabasic lang sa mga mandaraya nyan. Eh hindi natin alam na may mga rumors na pati ang mismong COMELEC baka may kumikilos na pandaraya na yan. Mahirap na magtiwala ngayon sa mga ganyan, kahit nga yung mismong mano mano na botohan dinaraya parin sa resulta eh. Hindi talaga aasenso ang bansa natin kung yung may mga kapangyarihan parin yung nagdidikta kung gaano katagal sila mamumuno sa pwesto nila. Kahit na maraming matalinong tao, mananalo't mananalo parin ang may kapangyarihan. Kaya tayo parin yung talo sa dulo.