Sa totoo lang hindi ako nakabili ng mga material na pangsarili lang noon kasagsagan ng bull run nakabili man ako damit na hindi naman kamahalan, mas inuna ko kasi noon na I secure ang profit ko kaya naman nagtayo ako ng negosyo at inuna ko talaga na magkaroon ng bahay. Upang makita ko naman ang aking kinata noon. Which is hindi ko pinagsisihan dahil noong magkaroon ng market dump e ang negosyo ko na naipundar dahil sa crypto ang tumulong sa akin upang mabuhay at makakain parin ng 3 times a day..
Buti kapa kabayan at tama ang napili mong desisyon na magtayo ng negosyo, malamang hanggang ngayon may passive income ka parin. Ako kase mali yung naging desisyon ko, imbis na magtayo ng negosyo o kahit bumili manlang ng lupa di ko nagawa, lahat ng kinita ko nung last bullrun is napunta lahat sa luho, hanggang ngayon pinagsisisihan ko parin yung naging desisyon ko.