Magandang Umaga mga kababayan!
Ako'y nagbabalik dito sa forum natin, masyadong naging busy sa buhay sa labas at nais ko ding magbalik sa bounty campaign, simula nung bago ako umalis frustrated nako sa bounties dahil sa mga scam projects at failed projects at the same time dahil sa dami ng mga campaign di malaman ng investors san sila pupunta.
What if magkaroon ng background check sa mga bounties bago mapublish at kapag di dumaan sa isang proseso e automatic mawawala ito ng credibility para masabing legit ang isang campaign at para na din malimit yung mga lumalabas na campaign.
Ano tingin nyo? Kasi para sa akin makakapag dagdag ito ng trust sa isang project.
ang tanong eh sino ang gagawa nito?walang sweldo ang mga scam busters dito sa forum kaya dagdag trabaho sa kanila to,and dapat nating gawin para makaiwas sa mga scam project ay bago sumali eh hinggin muna natin ang opinyon ng mga nakakaunawa ,pwede namang mag post sa forum para sa ganyang mga tanong or pwede mo ding i send sa PM sa mga scam busters baka sakaling silipin nila at bigyan ka ng idea kung tingin nila ay legit or scam.
Alam ko mayroong tayong indication para malamang kung ito ba ay scam campaign o potential na maging scam. Lalo na sa mga newbies nakasulat iyon sa itaas ng thread na nagbibigay ng paalala sa atin kung ito ba ay scam.
Ito at ito ay yung mga nag rereview sa ICO campaign dito sa forum. Kasi kung ang mga mod dito ang gagawa nyan malamang na dagdag trabaho lang ito para sa kanila.