Maraming newbie parin ang patuloy na na nabibiktima ng mga ganitong klaseng investment scam. Hindi natin sila masisi dahil iyan lamang ang kakayahan ng kaalaman nila sa investment at upang makatulong tayo sa kanila imbetahan natin sila dito sa forum upabg mas lumawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa Bitcoin at syempre sa crypto currency. Maraming opportunidad sa crypto currency world at ang Kailangan lang nilang gawin ay magkaroon ng tamang gabay at ito ay ang forum.
Kalimitan nang mga newbie na nakikita ko sa facebook at kahit matagal na sa crypto ay naiiscam ng dahil sa mga lumalabas sa mga facebook group na investment scam at ang malungkot lang dito ay nag-iinvest pa rin sila at patuloy nilang pinapalaganap ang mga ito. Pero ang forum na ito ay makakatulong talaga sa kanila para magkaroon ng kaalaman para hindi na sila maloko pa muli.