Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Ripple will Power remittances to the Philippines(BDO Partnership)
by
blockman
on 05/03/2020, 06:21:05 UTC
Paki-correct kung tama pagkaunawa ko na yung technology ng Ripple ang gagamitin nila at hindi mismo yung coin na XRP. Magandang initiative ito kahit anoman sa dalawa yung gagamitin ng BDO at Rakbank. Maganda yung pagkasabi na walang bayad pag magta-transfer ng pera mula Dubai hanggang dito sa Pinas. Malaking bagay yan para sa mga kababayan nating OFW na nagtatrabaho sa Dubai at sa iba pang lugar na magiging sakop ng partnership na yan.
Yes ayun din pagkakaintindi ko, Technology lang ng Ripple ang gagamitin ng BDO at RakBank upang maging tulay sa pagkakaroon ng mabilis at low fee na transaction. Dahil mula RakBank ay maaari na ng mgapadala ang mga kababayan natin thru BDO. Malaking tulong ito sa ating mga kababayan upang maipadala nila ang kanilang mga pera ng instant at walang mataas na fee na babayaran.
Oo nga aalisin nila yung mga hidden charges na yan yung kinaiinisan nating lahat. Kasi imbes na kung magkano lang yung sinabi nila, nagkakaroon pa pala ng additional fees kaya nagmamahalan yung mga remittances. Pero sana bago nila mapatupad yang technology nila, consider nalang din nila yung mismong cryptocurrency kaso ang mahirap mga banko kasi sila at hindi sila pwede sa masyadong mataas na volatility na meron ang crypto.