May mga ganito talagang pagkakataon at kahit na verified ka na, pilit silang gagawa ng mga kaek-ekan na kailangan mo ulit magpasa ng KYC sa kanila. Pero kung gusto mo din naman, tama nga yung sabi na parang formality lang yan at may nanghihingi ng addt'l na docs.
Masyado na sila mahigpit ngayon at kahit angkop naman yung documents na ipapasa, dinedeny nila at manghihingi pa ng additional docs para i verify. Sana yung mga old users hindi na nila ginaganito lalo na kung matagal ng nag comply sa kyc. Maganda kasi gamitin ang coins.ph kaya nakakapanghinayang bitawan. Yung case ko almost 1 month na ata pero wala pa sila reply sa docs na pinasa ko kung approve ba o hindi.
Old user naman nila ako at wala ako masyadong problema sa kanila. Sabagay kasi hindi naman ganun kalaki yung pera ko sa kanila at pa konti konti lang din ako pag nag wiwithdraw sa kanila at load load lang din. Ano yung hiningi na documents nila sayo? kung 1 month na yan at ganun katagal na pending dapat I-follow up mo sa kanila kasi baka natambakan ka na ng ibang query kaya hindi na nareview yung sayo. Email o chat mo nalang din sila para mabalikan ka.
Tandaan na crypto is not privacy, especially kung mga bitcoin o forks nito. But we all know that, for most use cases, hindi rin nila malalaman o ma prove kung sino talaga gumagamit o saan galing ang mga coins.
Anyway, pag ganito, kung gusto mo pa gamitin, sagutin lang mga tanong. Ako friendly sa kanila, dito lang ako sa forum nagrereklamo. Still Level 3 or 4 verified and I think I can now use it just fine. Until next year ulit pag gusto nila tumawag.
Ganito lang din ginagawa ko, friendly as always sa kanila kasi kailangan talaga yun at in real life ganun din naman ako. Comply lang talaga ang kalian kapag gusto ipagpatuloy at di natin matanggi na maganda talaga service ni coins.