Post
Topic
Board Pilipinas
Re: PONZI SCHEME FRONTROW
by
breadginger56
on 06/03/2020, 03:00:02 UTC
Ang iniisip ko nalang talaga sa simula palang pag mga ganyang networking companies ponzi scheme na at iwas na talaga, ang dami rin kasing pipilitin ka mapaniwala through their pictures and processes. Hindi pa ako sure kung meron pa talaga mga networking companies na legit din na credited tulad ng SEC at hindi ponzi scheme ang hidden strategy. Naging mindset ko tuloy na basta networking scam agad. Sabi nga ang mga pilipino mahilig talaga sa easy or quick money at nabanggit na rin ni tulfo about dyan "if its too good to be true, then it is not true" which is ganun naman talaga.
Ang galing din kasi ng strategy nila na nakakapagpa-billboard pa sila at kumukuha ng celebrities kaya mukha talagang kaaya-aya at mukhang tunay, pero sayang lang sa mga tao na under recruitment na wala silang idea. Sayang yung legitimacy ng business pero walang integrity and fairness sa nasabing scheme na wala naman talaga.

Marami na rin akong kaklase at kakilala na interested sa frontrow na yan or any other networking companies na ganyan ang style. Iniisip ko nalang din na hanggat sa wala na silang tao makukuha o mauuto mawawala na rin yan unless may iba silang paraan para tumatakbo pa rin ang business schemes na yan. Magaling sila mag "sugarcoat" ng mga sinasabi kahit sabihin nating legit business sila na but in the bigger picture hindi legit ang pamamaraan ng pagtakbo nila.