Pwede din kasi na yung mga ibang websites na pinagsa-sign up natin doon mismong nanggagaling yun. Di ko ako naniniwala na inside job yung ganito pero kung ganun man, darating ang araw na sila mismo babagsak kung inside job yung nangyayari pero parang hindi naman. Malaman naman akong narereceive na ganyang mga email at hindi rin naman ako pala-sign up sa mga websites na vinivisit ko. Kaya tingin ko doon din yan mismo galing sa mga airdrops, o di kaya yung mga post sa social media na giveaway tapos nanghihingi ng email.
Importante talaga na meron kang main at alternate emails. Syempre gagamitin mo lang yung main mo sa mga legit and trusted companies at yung dummy emails mo naman ay para lang sa mga bounties, airdrops at kung meron kang gustong subukang new platforms/sites.
Nga oopen lang ako ng mails kapag may inaasahan akong confirmations o verifications. Kaya dapat iwasan nating mag click ng basta-basta at alam din natin kung ano mga dapat icheck para makaiwas sa mga ganitong modus na scamming/hacking...