Sa aking palagay, kaya iilang pinoy lamang ang tumatangkilik ng cryptocurrency dahil laging napapalabas sa telebisyon o sa mga balita na mayroong naggaganap na iscam sa crypto, kaya walang taong gustong sumubok maginvest dito dahil ang tingin nila sa cryptocurrency ay isa lamang scam.
Tama, isa na to sa mga dahilan.
Pangalawa para sa akin, kulang pa sa kaalaman. Out of ilang tao sa Pilipinas na nasa tamang gulang na ay iilan lamang dito ang may kaalaman tungkol sa crypto.
Nasa daan pa din tayo ng pag diskubre nito. Marami ay hindi pa nasasagi ang gantong experience pero kahit na gapang ang nangyayari sa ngayon ay darating din tayo sa point na kailangan ng baguhin ang paraan ng payments specially.
Marami na ang nagamit ng Gcash at Paymaya at isa na ito sa mga unang step.
Reality check din. Mas madali pa din matapos ang transaction kapag cash ang gamit mo. Unang option pa din kasi ito sa mga local merchant.
Tulad na lang sa pamamalengke at pagbili sa mga tabi tabi.
Groceries, Gcash na gamit ko. No hassle kasi. Iwas na din ito sa hassle ng pag-withdraw sa ATM which is madalas mahaba ang pila.
Hindi pa tayo ready dahil hindi naman ito madalas na usapin sa local news. Kung nabanggit man ang crypto currencies ay nadadamay pa sa scam.
Medyo slow ang pag yakap pero darating din yan.
Sa akin, share ko na lang sa mga friends at maging positive na mashare din nila.