Nakakatakot na talaga ang nangyayari ngayon dahil may cases na NVOC na affected dito sa bansa natin dahil baka mahawa ang karamihan. Sa ibang mga provinr ay nagsuspend sila ng klase ng isang linggo para makatiyak na walang mahahawaan at maging ligtas ang karamihan.
Ito na ata ang katapusan ng mundo if ever na hindi mapupuksa at mahahanapan ng cure ang virus na ito pero sana hindi dahil maraming tao ang madadamay.
Lol, malayo ito sa katapusan ng mundo brad. Napakarami pang sakuna ang nauna rito COVID-19. Kung titingnan mo ang bilang ng namamatay dahil sa virus ay napakaliit lang nito compare doon sa mga taong namamatay sa gutom doon sa Africa at giyera doon sa Iraq.
Akoy naniniwala na lilipas din ito, napakarami na ngayong scientist na nag-uunahan para makadiskubre ng gamot laban sa COVID-19 na ito.
Para hindi tayo mahawa, mabuti siguro huwag na tayong lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan at stay healthy always. Boost your immune system, take that vitamin C at kumain ng gulay at prutas.