Meron din gumawa ng Facebook Group na ang pangalan Coinsph Community tapos pinopost nila yung profile nung nanalo daw at may link to claim. Duda ko taga dito lang din yan sa BCT forum. Yung email na ginamit sa pag send nya may kaparehas na username sa Shopee. Gaano kalaki ang chance na same din ang person na yun sa nag send ng email na yan?
Pwedeng coincidence lang na may kapareho na username sa shopee yung email, sa dami kasi ng gumagamit ng app merong nagkakapareho (though hindi exactly) pero pwede ding iisa lang sila kailangan lang ng ebidensya.
Hindi na rin nakakapagtataka na merong taong gagawa ng group para makapang scam ng kapwa kaya dapat mag ingat. I verify muna kung legit yung group at mas maganda i follow na lang yung official page ng coins para sigurado.