Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Corona Virus in the Philippines.
by
airdnasxela
on 11/03/2020, 04:37:21 UTC
Hindi lang naman Ang crypto market ang maaapektuhan ng virus na ito eh. Pati mga stocks ng ibang business maaapektuhan at bumababa din dahil sa outbreak ng virus. Hindi naman talaga maiiwasan na ganun ang mangyayari. Ang mga nakikinabang dito ay yung may mga business related sa safety like alcohol, tissue, face mask at iba pa.

Pero ang mas kinalulungkot ko ay yung mga mahihirap sa ganitong sitwasyon. Tignan nyo, halos lahat ng nagpopositive ay nagpacheck up sa mga kilalang hospital tulad ng sa Makati, QC. Kung mahirap na mamamayan ka lang, sa simpleng ubo at sipon, hindi ka na mag aabalang magpacheck up. Malalaman mo nalang pag malala na. Pano pa kung wala kang tirahan o nasa kalye ka lang? Imagine kung sino Sino naeencounter nila tas wala na silang proper hygiene. Kakain sila ng hindi nakakapag hugas ng kamay. Magkakasakit sila ng walang pampa hospital. Kaya dapat pinagtutuunan din ito ng pansin ng gobyerno. Hindi lang yung mga nakakaangat.