Post
Topic
Board Pamilihan
Re: 🔥🔥🔥 Hindi na NAKAKATUWA ang CoinsPH sa Pag-CASHOUT ng Bitcoin🔥🔥🔥
by
john1010
on 11/03/2020, 16:10:14 UTC
Ilang beses na ako nakiusap paps, at lagi naman friendly dahil di ka pwede maangas dahil nasa kanila ang fund mo, yun nga lang di kasi ako favor na ivivideo pa nila at ilalagay siguro sa front ng coins to advertise, ayoko kasi ng ganun, at isa pa di naman nila tayo babayaran for advertisement tapos ibabalandra nila ang mukha natin sa mga promotion nila, ang alam ko dito ito nagsimula, kasi naka-ilang send sa akin ng email na nagbibigay ng link for video interview, Tapos ayun limit na raw ang account ko, yun pala need ko na magsubmit ng mga docs na naipost ko, okay lang sana kung ang hinihingi ay passport, billing meron tayo niyan. Kaya lang ang hiningi ay yung alam na wala ako, napaisip tuloy ako, dahil nga siguro na alam nila na freelance ang raket ko.
I think hindi naman nila gagawin yang sinasabi mo na gagamitin for advertising ang video call interview sayo lalo na kung walang permiso at syempre for privacy na rin ng clients nila. Baka iyan na lang ang hinihintay nila saiyo para magkaroon ka ulit ng full access sa account mo, kaya ka siguro hinihingian ng mga pinasa sayong documents/requiremnets dahil ayaw mo ng video call.
Yes, I know someone from coins.ph, and ang sabi niya sa akin, those video interviews ay para lamang sa kanilang record regarding sa concern ng kanilang user/s. Wala akong nabalitaan na ginagamit nila ito for advertising and as far as I know, that interview is confidential, kung sakaling ilalabas nila yun, against na yun sa rules and regulation nila.

Kaya lang nangyari na eh and paulit ulit ko rin nasabi sa kanila na it is against my will, sinabi ko rin na siguro enough na yung 2014 pa ako member at since day 1 eh nagcomply na ako to provide the necessary requirements kaya nga naging level 3 verified ang aking account. Nadismaya na rin ako kasi parang ang dating compulsory na yung video call na yun. Di lang naman sila pwedeng pagpalitan ng crypto natin. At saka practically speaking ang taas ng spread nila sa buy and sell.