For us who are working naman wala na talagang magagawa ang presidente kasi nasa discretion na ng company ng pinagtratrabahuhan natin kung mag-suspend sila or hindi. May mga ibang company nga ako naririnig na pinapayagan nila yung company nila mag-suspend pero without pay which is sad, let see if mag improvised yung EO na ito and baka maging good news din satin na mga nagtratrabaho na.
Actually may nabasa akong proposal pero syempre malabo pa sa ngayon mapagbigyan.
Since no pay kapag nag-suspend ng work, baka raw ang puwedeng gawin solution is i-lessen or totally wag na muna maningil sa mga utilities like bills since walang source of income. Although mahirap iimplement yan at sakop din nyan pati mayayaman gawan na lang ng consideration like sa mga around minimum wage earners.
Malabo yung ganitong proposal lalo na kung Meralco, Maynilad, Manila Water ang pag-uusapan. Pag-inimplement man ito tiyak ako na babawiin nila satin yung mga "libre" sa atin. Other proposal of course is yung work from home at chaka yung skeletal work force, ito sure naman ako na ma-iimplement ito lalo na pag-lumala yung sitwasyon sa loob ng company. Yung work from home malabo sa mga may trabaho na involve yung physical work so baka mag skeletal nalang sila. But either way during this time of lockdown hindi natin makikita yung business as usual ng mga company and kailangan nila tanggapin yung mga adjustments para na din sa kaligtasan ng empleyado nila.