Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Biglaang pagbagsak ng presyo ng bitcoin :(
by
Wintersoldier
on 13/03/2020, 16:37:03 UTC
Hindi ba kayo nagugulat o nalulungkot man lang sa pagbagsak ng presyo ng bitcoin ngayon? dahil kahapon lamang napansin ko na ang presyo ng bitcoin ay nasa $7,900 lamang pero ngayon nasa eksaktong $5,936.40 na ang presyo ng bitcoin. Sa tingin ko talaga na may malaking epekto ang pandemic ng corona virus o ang COVID-19 dahil maaarring nagsisimula na magbenta ng crypto o ng bitcoin ang ibang crypto users upang makabili ng kanilang mga pangaraw-araw na pangangailangan o makapagstock habang naka-istay sila sa kanilang kanya- kanyang bahay. Kaya mukhang mas tatagal pa talaga ang pagtaaas ng bitcoin patungong $20,000 ulit.
Halos lahat naman siguro ay nalulungkot at nagulat sa biglaang pagkabagsak ng presyo ng bitcoin at maaari nga na ang pagkalat ng corona virus ang sanhi ng pagkabagsak ng market dahil sa hoarding. Pero sa ibang tao naman, nakikita nila ito bilang isang magandang balita dahil magkakaroon sila ng oportunidad upang makabili ng kanilang paboritong crypto sa murang halaga.