Hindi ba kayo nagugulat o nalulungkot man lang sa pagbagsak ng presyo ng bitcoin ngayon? dahil kahapon lamang napansin ko na ang presyo ng bitcoin ay nasa $7,900 lamang pero ngayon nasa eksaktong $5,936.40 na ang presyo ng bitcoin. Sa tingin ko talaga na may malaking epekto ang pandemic ng corona virus o ang COVID-19 dahil maaarring nagsisimula na magbenta ng crypto o ng bitcoin ang ibang crypto users upang makabili ng kanilang mga pangaraw-araw na pangangailangan o makapagstock habang naka-istay sila sa kanilang kanya- kanyang bahay. Kaya mukhang mas tatagal pa talaga ang pagtaaas ng bitcoin patungong $20,000 ulit.
Hindi ako pala-check ng bitcoin price pero sadyang nakakagulat ang mga nangyayari. 7.9k to this 5.5k. Ouch!
Libo-libong dolyar ang nawawala agad agad.
Pero pag matagal ka na sa gantong industry ay normal na ito.
Ang mas nakakatakot nga yung hoarding na nangyayari sa labas kesa sa pagbagsak ng bitcoin.
Mga taong nagiging garapal na kunin lahat at pabayaan ang iba na magutom or magkasakit.
Ano ang mas nakakatakot pa dito?
Pinapakita ng mga gantong galawan na parang walang gobyernong gumagalaw sa isang bansa.
Ang pagpapakita ng kawalan ng disiplina ay isa sa tutukoy kung anong gobyerno ang meron sa isang bansa.
Buti na lang talaga na-control agad ang panic buying kung hindi ay magmumukha tayong The Walking Dead sa ilang araw lang.
Sa tingin ko nga din na mas mas nakakatakot ang mga nangyayari ngayon sa ating bansa dahil sa corona virus, na halos lahat ng pinoy ngayon ay nagpapanic sa virus na ito dahil halos lahat ay naapektuhan na nito tulad nalang ng negosyo, trabaho, produksyon, edukasyon at iba pa. Sana talaga matapos na ang problema na ito sa ating bansa.
Sa tingin ko naman din na mabilis din makakaakyat ang presyo ng bitcoin at iba pang cryptocurrency dahil tulad nga ng sinabi mo normal nga lang ito sa mundo ng crypto.