Unfortunately fear parin ang isa sa pinaka mataas na impact sa markets in general, especially sa cryptocurrency markets kung saan mararaming inexperienced investors ang bumibili ng bitcoin/crypto. Kitang kita naman natin dahil sa pagdrop ng 40% ng bitcoin. Kahit na halos lahat naman ng assets gaya ng gold at stocks e bumagsak, sobrang over-reaction talaga. Non-correlated asset pa man din ang bitcoin(gaya ng gold) kaya mas nonsense ung malaking drop.
Ang masama pa doon, hindi dahil sa virus ang biglang pag-bagsak ng Bitcoin kundi dahil ito sa massive scam ng plustoken. Sumabay lang ang coronavirus na lalong nagpalala ng fear at panic ng mga tao kaya sila nag bentahan ng Bitcoin. Siguro kung hindi nangyari ang massive selling na iyon, hindi tayo bearish ngayon. Pero okay narin kasi opportunity narin para sa mga may natabing funds pang invest.