B. Para sa mga naluge sa trade at gustong bumawi
1.
Kalkulahin kung magkano ang nalugi. Mahirap balikan at sariwain ang perang nawala na pero ito'y makakatulong para tumatak sa iyong isipan na dapat ito ay hindi na maulit at susubukan mo ulit mabawi ito.
Agree, dapat sa umpisa palang ready ka na bumawi. Laging sinasabi na lagi mo lang itaya sa trading 'yung perang afford kang mawala. Hindi ibig sabihin na tanggapin mo na mawawalan ka ng pera. Huwag ka papayag syempre. Ang ibig sabihin ko, dapat may nakatago ka para sa pamilya mo, sa mga dapat mong bilhin. May liquid assets ka dapat para sa mga rents, tuitions, and other short term needs. Mas madaling ngumiti ulit after a loss kung ready ka sa mga ganung bagay.
Dagdag lang din na always take calculated risks, mas huhusay ka magkalkula kung aaralin mo 'yung mga naging failed attempts mo.