Onting update lang tayo. Simula kagabi ng mga bandang 8:00 PM, nagbigay ng senyales ang Bitcoin pataas. Ngayong umaga ay umabot na ito ng $6,000+ at tumataas pa. Maliit na good news ito sa mga investors na nag-invest noong $5,000 pa na katulad ko.
Ano kaya ang dahilan nito? Tapos na kaya ang dumping phase ng mga whales at accumulation phase na ulit tayo? Dahil ba ito sa stock market? Onting discussion tayo mga kabayan kasi puro nalang bad news at coronavirus ang naririnig natin haha.
Sana magtuloy tuloy pa ang pangaangat ng bitcoin medjo nakapaginvest din ako ng maliit na amount nung bumagsak ang bitcoin masmaganda sana kung bababa pa ng sobra ang presyo ng bitcoin pero mukang hindi ito bababa ng 2000$ or 100k pa baba dahil na rin sa taas ng demand for sure maraming mga investors ang nagbabalak din na maginvest dahil sa biglaang pagdump ng presyo neto sa market.
Madalas naman nangyayari ang mga ganitong dump at palaging nakakarecover ang bitcoin sa mga ganitong pagkakataon for sure hindi na ito bago pagdating sa mga investors tingin ko dagdag rin ang bitcoin halving.