Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Akyat nanaman sa $6,000 ang Bitcoin!
by
Kong Hey Pakboy
on 21/03/2020, 17:07:23 UTC

Onting update lang tayo. Simula kagabi ng mga bandang 8:00 PM, nagbigay ng senyales ang Bitcoin pataas. Ngayong umaga ay umabot na ito ng $6,000+ at tumataas pa. Maliit na good news ito sa mga investors na nag-invest noong $5,000 pa na katulad ko.

Ano kaya ang dahilan nito? Tapos na kaya ang dumping phase ng mga whales at accumulation phase na ulit tayo? Dahil ba ito sa stock market? Onting discussion tayo mga kabayan kasi puro nalang bad news at coronavirus ang naririnig natin haha.


Napaka-unpredictable talaga ang bitcoin dahil hindi mo talaga masasabi kung kelan ang biglang pagtaas o pagangat muli ng presyo nito. Sayang nga at hindi ako nakabili ng bitcoin noong mas bumaba pa siya nakaraang araw dahil nagreready ako sa lockdown.  Smiley

Sa tingin ko din ay baka madaming bumili ng bitcoin noong bumaba ito upang muling bumalik ang presyo nito at baka magpatuloy pa ang pagangat ng bitcoin hanggang matapos ang buwan ng marso dahil marami ding naghohold sa ngayon.