Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin's price, at ang ating mental health.
by
Magkirap
on 22/03/2020, 09:57:53 UTC
Obviously alam naman na nating lahat na nag crash ang price ng bitcoin na tipong halos makalahati ang presyo nito. Paalala lang lamang ito na magkano man ang natalo mo sa markets(regardless kung nagbenta ka o hindi), pera lang ito. Ang pera ay pwedeng kitain ulit sa future, whereas nag iisa lang ang buhay natin at hindi na mapapalitan ulit. Kung sobrang laki man ng talo natin, hindi pa ito ang katapusan.

Pag ikaw man ay may suicidal thoughts, please, magdalawang isip at subukang kumausap sa isang professional.

Suicide hotlines:
  • 0917-899-USAP (8727)
  • 0917-989-8727
  • 0917 854 9191
  • 8893-7603 / 0917-800-1123 / 0922-893-8944 (Crisis Line PH)

Wala naman sanang suicidal saatin dito dahil sa pagbagsak ng bitcoin price, pero heads up lang. Dahil mukhang maraming nalungkot sa pagbagsak ng price based sa mga nabasa ko sa mga recent threads.

Anyway, goodluck sa lahat!

Ito yung mga taong ibinuhos lahat ng buong savings nila, pagdating talaga sa mga investment wala talagang 100% sure investment kahit bangko nga nalulugi rin kahit bansa na may sariling limbagan ng pera nalulugi, dapat talaga sa lahat ng pagkakataoon ang mantra natin ay only invest what you can afford to lose, pag ito ginawa mo you are on the safe side.
Tama, yan ang tinatawag na golden rule sa crypto. Ang tama lang talaga na hindi dapat tayo nagiinvest ng pera na pag nawala ang magiging malaki ang toll sa ating sarili, hindi lang financial kundi mental din. Kaya bago ka pumasok sa mga bagay na may kinalaman sa pera, siguruhin mo munang matured ka na magisip.