Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Biglaang pagbagsak ng presyo ng bitcoin :(
by
Shimmiry
on 22/03/2020, 10:54:06 UTC
Hindi ba kayo nagugulat o nalulungkot man lang sa pagbagsak ng presyo ng bitcoin ngayon? dahil kahapon lamang napansin ko na ang presyo ng bitcoin ay nasa $7,900 lamang pero ngayon nasa eksaktong $5,936.40 na ang presyo ng bitcoin. Sa tingin ko talaga na may malaking epekto ang pandemic ng corona virus o ang COVID-19 dahil maaarring nagsisimula na magbenta ng crypto o ng bitcoin ang ibang crypto users upang makabili ng kanilang mga pangaraw-araw na pangangailangan o makapagstock habang naka-istay sila sa kanilang kanya- kanyang bahay. Kaya mukhang mas tatagal pa talaga ang pagtaaas ng bitcoin patungong $20,000 ulit.
Paniguradong malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa pagbaba ng presyo ng bitcoin sa market.  Marahil,  sapagkat kinakailangan din ng mga holders o mga nag invest sa bitcoin ang pera para makabili ng mga pangangailangan sa araw araw.  Lalo na upang matugunan ang pagkain.  Marami marahil ang gumawa nito, nagbenta ng kanilang mga bitcoin at ikinonvert sa mga fiat currencies.  O marahil din ay ginamit ito sa pagbili ng mga gamot.  Lalo na sa mga lugar na lockdown.