Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [Ito nanaman sila] Scammer's gamit ang COVID19
by
ArIMy11
on 23/03/2020, 14:01:22 UTC
Talaga nga naman oh.
Pero sa palagay ko konti ang kakagat dito.
Wala na nga pera eh magbabayad pa. Tsaka konti na din yata ang kumakagat sa mga ganyan, yung mga bayad muna bago buksan ang regalo.  Grin
Mas nakakatakot yung mga pekeng charity. Kesyo tutulong or humihingi ng tulong dahil tinamaan ang isang kamag anak nila.
Marami sa atin ang matulungin pa din pero ang problema ay hindi natin alam talaga kung saan napupunta.
Salamat pa din sa warning.

Kapag pinagbabayad ako, hindi na ako tumutuloy. Hinahayaan ko na lang sabay close ng tab. Nasa isip ko na kaagad "Scam na naman ito". Para sa akin napakacommon na ng istilong ito kahit hindi sa bitcoin. Nakaranas din ako na sa paghahanap ko ng trabaho, hindi pa man ako hired sinabihan na akong magpamedical sa trusted nilang ospital.
Sana nga wala silang mabiktima. Maaring may kumagat dahil sa proof pero sana sa hirap ng panahon ngayon, isipin na lang nila na dapat ang pera ay papasok at hindi palabas.