Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [Ito nanaman sila] Scammer's gamit ang COVID19
by
Kersh768
on 24/03/2020, 16:01:04 UTC
Nakakalungkot na pati ang trahedya ay ginagawang 'negosyo' ng mga tao, marahil ay ganoon na lamang talaga ang impluwensya ng pera sa atin. Sa panahong ganito, dapat ay nagkakaisa at nagtutulungan tayo ngunit nagagawa pa rin ng ibang tao na mangloko at manlamang sa kapuwa.

Hindi ko alam kung paano nila naaatim na manloko sa ganitong sitwasyon lalo na't alam naman nilang halos lahat ay apektado. Ito ang dahilan kung bakit kailangan natin mag ingat sa pag gamit ng social media gaya ng Facebook kasi may mga taong mapansamantala ang gumagamit nito upang makapanloko ng iba. Dapat maging aware tayo na hindi porket tungkol sa covid-19 ay totoo na. Ugaliin na mag research at manood ng balita. Nakakalungkot man isipin na may mga ganitong klaseng tao, dapat ay gumawa din tayo ng paraan kung paano tayo makakaiwas dahil sa huli paniguradong pagsisi lang ang makukuha nation kung hindi tayo mag iisip bago gumawa ng mga desisyon.
Sa mga sakunang katulad nito, at kung ikaw ay interesadong tumulong, ang simpleng pakiki-isa ay sapat na, mas mabuti rin na makipagugnayan sa mga opisyal at kawani ng gobyerno kung ninanais na magbigat ng donasyon o tulong, o kaya nama'y direktang ipamigay ang tulong sapagkat laganap rin ang korapsyon. Sang ayon ako na hindi marami ang maloloko ng ganitong klaseng iskema dahil katakataka na ang isang bagay sa panahon ngayon kung walang nakaantabay na kredibilidad, maaaring sa porma ng suporta mula sa mga kilalang personalidad, na magtutulak ng tiwala mula sa ibang tao.