Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Reasons kung bakit naluluge ang maraming trader sa cryptocurrency market
by
danherbias07
on 25/03/2020, 06:45:45 UTC

Lack of Patience - Isa na sa katangian ng mga pinoy yan eh yung mayroon na maliit na pasensya, madaming ang traders ang nag fafail kasi masyado silang mainipin na kung saan pag bumili sila ng crypto gusto nila na tumaas kaagad yun.
Ever since ay wala talaga ako nito.
Nagmamadali masyado per hindi naman ako "get rich mentality". Sadyang mabilis ma-excite sa profit at kabado matalo.  Grin

Lack of Discipline- Madalas na nangyayare ang kawalan ng disiplina sa pagcucutloss, sa pag eexecute ng trade at sa pagbebenta. Dito madalas pumapasok yung pera na naging bato pa. For example bumili ka ng bitcoin sa halagang 200,000 php kada isa tapos sa plano mo na ibebenta mo to kapag 250,000 php ang isa. Tapos nangyare na pero hindi mo binenta kasi naging greedy ka tapos mayamaya nag dump at nagsisi ka. Madaming traders ang naluluge dahil sa kawalan ng disiplina.
Dahil nga wala din pasensya tulad nung una ay nawawalan na din ng disiplina. Nag-jot down ng kung kelan lang magbenta or nag base sa order pero nung nakita may kaunting profit ay binenta na.

Lack of emotional control - Kala ng iba na sa trading walang halong emotion, impossible po yun especially sa mga baguhan. Ang mga decisions natin ay mostly nakabase sa ating emotions. Kaya dapat nasa positive na emotions tayo kapag nagtratrade.

Landslide na.
Walang pasensya, walang disiplina. So eto na yung huli. Kabado ka at excited kasi.
Mahirap kontrolin talaga ito sa lahat. Hindi naman kasi tayo robot.
Minsan naman tumatama din ang instinct.

I always think of myself as a newbie when it comes to trading kahit matagal ng ginagawa.
I just want to learn more. Hindi naman masama yun.
Ang experience na ang magtuturo sayo ng mga kamalian mo.