Magandang Idea ito upang maiwasan ang mga pagkalat ng virus sa kanilang bansa dahil nga naman sa marami ang gumagamit ng pera e hindi talaga malabo na dahil dito at maipasa ang virus. Isa din itong magandang promotion sa crypto currency dahil marami rin ang gagamit ng mga ito upang mag ingat sa mga sakit.
Ang virus na ating kinakaharap ay madaling maipasa sa ibang tao sa iba't ibang paraan, pwedeng dahil sa close contact o sa droplets na galing sa infected na tao at maging ang paghawak ng contaminated na objects kung kaya't maaaring maging pati pera nila ay maging dahilan ng paglaganap nito. Alam naman natin na patuloy ang pag ikot ng pera dahil sa iba't ibang transactions ng mga tao, kung kaya't magandang gawi na din ito para masecure nila ang health ng kanilang mamamayan.