Buhay pa din pala sila? Mukhang hindi pa din nasusugpo ng government or nahuhuli yung mga kawatan na namumuno nitong Ponzi Scheme na ito ah? Well, mukhang lalong malabong mahuli tong mga to ngayon lalo na sa nangyayari sa ating bansa ngayon dahil sa COVID-19. Halang din talaga yung bituka ng mga taong nagpapatakbo nitong Bitcoin Revolution ano? May pandemic na sa buong mundo pero nasisikmura pa din nilang manloko ng kapwa nila at gumamit ng mga pangalan ng mga artista para lang makahikayat sila ng marami pang taong maloloko. Grabe lang.
