Buti naman at deleted na yung post. Grabe talaga ang mga scammer, lahat na lang hahamakin kumita lang ng pera kahit sa maling paraan. Desperado talaga ang mga ito na makapangloko, kaya kapag may napansin tayong mga users na hindi aware sa mga ganito ay bigyan natin silang informations about dito para makaiwas din sila.
Hindi ko din talaga maisip kung bakit nila nagagawa yung mangloko at mangscam habang nasa gitna tayo ng crisis ngayon, ngayon nedyo desperado ang mga tao na makakuha ng pera sa internet kaya't malaki ang posibilad na maraming pang mascam ang mga taong yon kung nagpatuloy pa din sila. Kaya sana maging aware ang mga tao sa crypto scam dahil mas vulnerable sila ngayon na halos lahat need ng pera.