For me ang pinaka good side is to have bonding with your family, actually talaga tayo dahil sa work so medyo konte nalang ang time natin sa family.
May iba nga diyan na monday to saturday and work, tapos sunday kung minsan may OT pa, puro tayo work ng work at kulang na tayo sa quality time with our family, this is the time for bonding na.
Oo nga eh, iba rin talaga kapag sama2x yung mga magpapamilya tsaka yung pagkukwentuhan ay legit talaga. Isa rin yung pagtigil ng mga factories sa mga kagandahan dulot ng CoVid-19 dahil napapatigil nito kahit papaano ang malalang polution dulot ng mga factories na ito. Wala talagang magagawa ang mga may-ari nito dahil kung ipagpatuloy nila ang gawain, baka sa susunod sila na ang ma pasahan ng sakit. kaya wala silang magagawa.
Temporarily okay siya, pero kung tatagal pa ito magugutom tayo dahil darating ang araw na baka hindi na kayanan ng bansa natin ang pag bibigay ng konsumo. Ngayon nga ang konte lang ng bigay, nasa 5k to 8k lang, samantalang ang laki ng ganstusin natin.. sana matapos ang quarantine at wala ng new cases.
Sana wag naman na umabot dun, sana magkaroon na ng gamot para makarecover na ang bawat taong apektado ng virus na ito, hindi naman natin nakita yung mga good side before, pero ngayon natutunan nating tignan ang bagay bagay habang naandito tayo sa kalagayang ganito.
Yung ayuda kasi ng gobyerno mauubos yun pag nag extend pa itong lock down, ingat at sumunod sana tayong lahat sa gobyerno para makaiwas sa sakit.