Another good side sa mga student na katulad ko, delay lahat ng projects at mga activities namin dahil sa coronavirus haha.
Triple bugbog kayo pag mag continue na uli ang klase, sure yan.
Panigurado ganito ang mangyayari samin, bilang student na eenjoy ko naman yung pahinga pero alam ko naman pagbalik namin sobrang dami na ng gagawin. Maging pati online classes ay pinahinto kaya ano pa ba ang aasahan natin kundi sandamukal na activities pagkabalik ng mga klase. Yung project na ipapasa namin para noong midterm ay hindi pa namin na ipapasa at may project pa kami sa finals at ngayong May na iyon. Mahirap man pero kakayanin naman, may mga teacher din kasing nakakaunawa kaya yung iba sinasabi na nila agad kung ano yung mga dapat ipasa para maumpisahan na at hindi na magahol pagdating ng araw ng klase.