Hindi na ko na sopresa na marami pa din nabibiktima ng mga Ponzi Schemes dito sa Pilipinas kasi yung iba gusto madalian na pera eh. Yung tipong bibigay ka lang tapos lalaki na yung pera mo. Magic eh. Automatic scam.
Ito kasi yung pananaw nung ibang tao na kaya nilang kumita na walang hirap o pagod na pagdadaanan. Hinahayaan lang nila yung sarili nila na madala sa mga salita at maling mga pangako sa punto na hindi na nila sinigurado kung totoo ba. Ito yung dahilan kung bakit dapat mas maging maingat tayo kasi hindi naman natin agad malalaman yung totoong intensyon ng mga tao. Isa pa, hindi ba sila napaisip na parang ang bilis at ang laki nung ibabalik na pera? depende nalang din talaga sa tao yan kaya dapat maging maingat tayo bago maglabas ng pera.
Ngayon marami din kasing tao ang naniniwala sa investment although ito ay totoo din dahil maari kang kumita ng malaki pero hindi mo agad makukuha ang kinita mo sa investment kadalasan ay tumatagal pa ito ng anim na buwan bago mo malaman kung kumita kaba o Hindi. Maaring isa sa mga naging target nila ay mga pilipino ay madali ito mag tiwala at wala masyadong alam sa kalakaran ng investment kaya ganun na lamang sila kadali malako.