Obviously alam naman na nating lahat na nag crash ang price ng bitcoin na tipong halos makalahati ang presyo nito. Paalala lang lamang ito na magkano man ang natalo mo sa markets(regardless kung nagbenta ka o hindi), pera lang ito. Ang pera ay pwedeng kitain ulit sa future, whereas nag iisa lang ang buhay natin at hindi na mapapalitan ulit. Kung sobrang laki man ng talo natin, hindi pa ito ang katapusan.
Pag ikaw man ay may suicidal thoughts, please, magdalawang isip at subukang kumausap sa isang professional.
Suicide hotlines:
- 0917-899-USAP (8727)
- 0917-989-8727
- 0917 854 9191
- 8893-7603 / 0917-800-1123 / 0922-893-8944 (Crisis Line PH)
Wala naman sanang suicidal saatin dito dahil sa pagbagsak ng bitcoin price, pero heads up lang. Dahil mukhang maraming nalungkot sa pagbagsak ng price based sa mga nabasa ko sa mga recent threads.
Anyway, goodluck sa lahat!
Hindi talaga maiiwasang madepress sa ganitong pagkakataon lalo na at hindi lang presyo lang Bitcoin ang iniisip natin kundi and economy at health ng pamilya natin. Siguro magiging hopeless and iilang nasa Bitcoin ang mga savings ngayong bumagsak ito at walang choice and iba sa atin kundi ibenta ito sa bagsak ding halaga. Ang kailangan na lang nating gawin ay tatagan ang mga loob natin dahil hindi naman matatapos ang problema kahit magsuicide tayo kundi bibigyan lang natin ng sama ng loob ang mga maiiwan natin. Isipin na lang natin kung paano natin isusurvive ang problemang kinakaharap natin dahil hindi lang tayo ang naghihirap sa ganitong panahon. Lahat ng mga nangyayari ngayon ay may dahilan. Konting tiis at tibay pa ng loob at magiging maayos din ang lahat.