Hindi ko alam bakit ganto ang ugali ng mga Pilipino, partikular sa may-ari ng account na 'yan. Mapanlamang sa kapwa talaga ang ibang Pilipino and it shows sa ipinapakita nitong isa nating kababayan.
Kapwa Pilipino nga nagsisiraan na sa social media ito pa kaya.
Likas nang ugali ng mga Pinoy ang maging mapanlamang para lang sa kanilang kapakanan. CRAB MENTALITY sabi nga nila. Manlalamang ka ng ibang tao para lang sa kanilang kapakanan at hindi na ito bago para sa atin. Ang sakit man isipin pero sa kahit saang companies or government agencies ngayon ay maraming ganito. Yung ayaw mo na nalalamangan ka ng iba kaya gagawa ka ng paraan para malamangan mo sila.
Regarding naman sa sinabi ni yahoo, malaking kasiraan ng reputasyon nating mga Pilipino ang ginawa niya at maaaring maapektuhan ang mga kadalasang sumasali sa mga signature campaigns nya or sa mga future bounty campaigns pa niya dahil lilimitahan na lang nya ang pagaaccept ng mga galing sa bansa natin.
Either way, sana di na lang maulit tong incident na ito at sana walang gumaya sa ginawa niya. Isa pa naman siya sa mga malaking contributors ng local section natin at nag rank up pa siya sa mga threads na ginawa nya pero nangyari na ang dapat mangyari.