Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
by
plvbob0070
on 16/04/2020, 12:18:01 UTC
Nag warning ang SEC patungkol sa cryptocurrency scam, particularly sa "The Billion Coin" (TBC).

Quote
SEC said in an advisory on April 14 that TBCoin’s promoters present the asset as a decentralized cryptocurrency that “aims to revolutionize the global financial system in order to eradicate world poverty.”

photo not mine

May claim ang TBC na once maka gather sila ng 1 billion investors, ang bawat coin will worth 1 billion euros. Isa pa, ay ang pangakong 100% return in every 25 days. Ngunit tulad ng ibang scam projects na nawarningan ng SEC kamakailan, hindi rin ito registered sa SEC o sa BSP at kulang din sa lisensya. Kagaya ng mga punishment na maaaring matanggap once na mahuli na involved sa ganitong project, kasama rito ang paglabag sa batas na nagpoprotekta sa publiko ngayong may kinahaharap na sakuna dulot ng COVID-19.

Source:
Code:
https://bitpinas.com/news/ph-sec-advisory-billion-coin-tbc-scam/

Dati palang ay marami nang nag usbungan na nga crypto related scam dito sa Pilipinas. Nadadagdagan lang ng nadadagdagan habang mas lalong nakikilala ang crypto sa bansa knowing na madaling mauto ang ibang mga Pilipino. Siguro nabibigyan sila lalo ng opportunity para makahanap ng biktima sa panahon ngayon na ang lahat ay nasa tahanan lamang kung saan mas madaming prone sa online scams.

Hindi na bago sa iba ang TBC dahil matagal na syang napag uusapan dito sa forum. May mga nabasa na din akong mga post related dito, asking kung scam or legit ba talaga ito.  Obviously, scam talaga ang TBC. Sino ba ang maniniwala sa nga marketing nila? Siguro yung mga nag aakala na easy money ang investment sa crypto. Nagbabala na din dati ang ibang members dito sa local board about sa TBC para makapag ingat ang iba. Matagal na itong napag uusapan, yet hanggang ngayon ay tuloy parin sila sa panloloko. Ang galing kasi nakakapag tagal sila kahit na alam na ng iba ang tungkol sa kanila. Sana lang ay mahuli ang mga taong nasa likod ng mga scams na ito, at hindi nalang puro warning dahil ang kawawa ay yung mga nabibiktima. Kahit aware na ang iba na scam ito, nakakabiktima parin sila ng investors. I wanna know kung anong actions ng SEC dito sa mga crypto related and online scammers para mahuli, kasi hanggang ngayon hindi pa sila napupuksa at malaya parin silang nakakapag operate.


Mga thread na nakita dito sa forum na patungkol sa TBC (The Billon Coin):
Code:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1592288.0
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1702780.0
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1600724.20
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1600724.0
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1790915.0





PS: I'm not posting this to promote the site