Sa aking opinyon ay hindi solusyon ang ECQ laban sa COVID 19 dahil kong mapapansin natin noong ini announce ng pangulo na magkakaroon ng quarantine ay nag panic ang mga tao, yung iba nagsi uwian sa kanilang probinsya halos punuan ang mga buses kung saan siksikan ang mga tao hindi natin alam kung may mga carrier ng virus doon pero nakikita naman natin na nagkaroon na ng mga kaso sa ibat ibang lugar, at isa pa karamihan sa mga tao ay nagpanic buying kung saan naman ay nagsiksikan sila sa mga groceries at palengke para bumili ng kanilang pangangailangan di din natin alam kung nagkahawaan na sila, at isa pa sa pagdistribute ng mga relief goods kung mapapansin natin na nag uunahan ang mga tao at hindi naman nasusunod ang social distancing kayat kung mayroon man positive doon ay tiyak din na magkakahawaan, at isa pa tingnan natin ang mga natatrapic na mga sasakyan ng dahil sa check point na iipon ang mga sasakyan at karamihan ay mga naka motor at hindi din natin alam kung nagkakahawaan din sila, at isa pa sa mga remmitances nag iipon ipon din mga tao para makapagpadala o kumuha ng padala at di din natin alam kung nagkakahawaan din sila. ilan lang eto sa mga nakikita ko na walang silbi ang ECQ mas lalo pa ngang nakapagpalala ng sitwasyon.
Para sa aking pananaw kung sana di nag patupad ng ECQ ang gobyerno ay hindi sana ganito kalala ang sitwasyon. Kung para sa akin lang ang tama siguro nilang ginawa ay pinagbawalan lang ng gobyerno ang mga tao na lumabas ng walang proteksyon, tulad ng pagsuot ng mask, pagsombrero (dahil pwedeng kumapit ang virus sa buhok ng tao) at proteksyon sa mata at tainga. halimbawa kung sino ang makita na walang protekston ay huhulihin at pagmumultahin o ikukulong, At tuturuan din nila ang mga tao kung pano maingatan para hindi sila mahawaan ng virus tulad ng palagiang paghuhugas ng mga kamay, social distancing at iba pa. Kung sana yung budget na inilaan nila sa SAF ay ibinili na lang ng mga protective gears para hindi magkahawaan ang mga tao at idinistribute nila sa bawat mangagawang pinoy.
Kung walang ECQ dapat sana tuloy tuloy lang ang ekonomiya ng bansa, ang mga tao ay tuloy lang pasok sa trabaho basta may mga proteksyon sila at alam naman nila pano ingatan ang sarili nila dahil mga tao yan may mga isip at lahat ay may takot na mahawaan kayat mag iingat talaga yan para sa pamilya nila, hindi yung ikinukulong sa bahay na para bang tayo ay mga walang pag-iisip.
eto ay aking opinyon lang bilang isang mamamayan salamat po