Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Re: Mga may pera sa stocks, kamusta?
by
LogitechMouse
on 21/04/2020, 13:12:16 UTC
⭐ Merited by Theb (1)
Pumasok ako sa stock market this year lang (around February) along with my couple dalawa kaming nag invest dun at since Newbie pa lang ako (although may short background na ako sa crypto trading), nagsimula lang kami sa maliit na halaga (10,000).

As of now, wala pa akong kita sa ngaun and normal na un sa isang baguhan na di pa kumikita pero nag dadagdag ako weekly or monthly depende sa akin. Kung saan ako kumukuha?? Ung weekly payout ko sa Yolodice kumukuha ako ng portion para sa investing in stock market talaga.

Wala akong hawak na stock ngaun kasi I'm into holding at di pa ganun kalaki fund ko matagal mag grow un if mag hohold ako ngaun. Sa mga nakainvest ng Stock Market ngaun, maswerte tau dahil makakabili tau ng mga blue chips at mga stocks na pwedeng ihold for long term kasi kung titignan natin mga stock prices ngaun, nasa "SALE" sila.

Almost same lang kami ni @cryptoaddictchie ng investments na MP2, crypto at stocks. Sa mga nagdedecide if gusto nilang mag invest sa stocks, I highly suggest na mag invest na kau ngaun and if hindi nyo pa alam mag trade mas maganda if sa blue chips ang bilhin nyo like JFC, ALI, RLC, MEG, MER etc. Sale lahat ng mga stocks ngaun base sa isang stock market trader. This is the perfect time to buy if long term ang tingin mo habol mo sa stocks Smiley