Sa tingin nyo kaya mag eextend pa tayo? Gusto ko na bumili ng mga pangangailangan sa bahay pero walang mabilhan dahil halos sarado lahat.
Kung ako ang tatanungin, mas pipiliin kong mag extend hanggat hindi pa naipapatupad nang maayos yung MASS TESTING. Kasi mass testing lang ang natatanging paraan para matukoy yung mga lugar na crucial, hanggat hindi pa na pipinpoint kung saang mga lugar lang talaga ang higit na naapektuhan ng virus, magsusuffer at magsusuffer ang karamihan. Pag na pinpoint mo kasi ang mga lugar na mayroon lang talaga, yung ibang karatig lugar pwede nang hindi naka lockdown, pwede nang kumilos para sa pag ahon. Kaya mag extend man o hindi, kung wala paring maayos na plano ang pamahalaan, kawawa parin ang mga Middle class at pababang mga Pilipino.