Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread
by
cabalism13
on 24/04/2020, 15:32:20 UTC
CHED hits proposal to suspend classes until December
Medyo dito ako tutol, okay lang sana kung sa pag suspinde nila ay katulad nitong nakaraan na matik pasado ang estudyante at bahala na lang mag self study. Pero kung sususpindihin tapos madadagdagan ang panahon na sa pag aaral abay lintik. Urat na urat na ko at gusto ko ng makapag hanap ng matinong trabaho kaya gusto ko na agad makatapos, tapos magkakaroon ng ganitong implementasyon...

Although naiintindihan ko yung point kung bakit pero dapat magbigay sila ng mas malinaw na detalye ukol dito.


Also as a student, hindi maiiwasan na may mga teacher na nagpapa activity online which is not good for everyone. Hindi lahat kaya gumastos para sa load, wifi, at hindi lahat may resources to do online activity. Sana maintindihan ng mga professors yun.
Medyo hindi ako sang ayon dito lalo na para sa mga pinapaaral lang ng magulang. Well, hindi naman talaga dapat gumastos sa pag aaral, pero kung ang studyante ay nasa mga semi or private talaga na unibersidad abay kalokohan naman atang magrereklamo ka sa mga gastusin at hindi handa sa mga extra extra at chechebureche ng mga prof. Lalo na kung isa ka lang dakilang palamunin at paaral, at kailangan mo lang gaein ay sabihin ito sa guardian at ang obligasyon mo ay mag aral. Wala din namang naitutulong ang pagrereklamo dahil una pa lang nandyan na yan. Kung ayaw gumastos feel free na lumipat o di kaya magpatayo sila ng sarili nilang school.

Ang studyante dapat nagaaral lang maliban kung pinapaaral at binubuhay nya sarili nya tulad ko LoL. Hindi yan dapat sumasalu sa kung ano anong katarantaduhan katulad ng rally o kung ano mang negatibo na hnd naman nakakatulong sa ekonomiya.