Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread
by
finaleshot2016
on 24/04/2020, 15:37:30 UTC
⭐ Merited by cabalism13 (1)
For those who are still studying, since Mass Promotion is an issue due to COVID-19, may I ask if pabor ba kayo dito?
As a student, I'm fine with suspending the classes for the mean time pero sana naman hinfi umabot ng December. Alam ko din yung maaaaring maging consequences once na ituloy na ang pasok habang kumakalat pa ang virus. Kaya better na suspended muna sya kasi kaligtasan ng lahat ang nasa risk.

Also as a student, hindi maiiwasan na may mga teacher na nagpapa activity online which is not good for everyone. Hindi lahat kaya gumastos para sa load, wifi, at hindi lahat may resources to do online activity. Sana maintindihan ng mga professors yun. About naman sa mass promotion, I don't fully agree with it especially pag nasa college ka na. For other students, baka hindi mag matter sa kanila. I would agree sa mass promotion kung onting days nalang naman before matapos ang school year. Pero kung ginagamit ang new school calendar which is August nag start, hindi sya maganda para sakin. Actually we still have our unfinished midterms. At mahaba pa yung days na kailangan namin bago matapos ang school year. Isa is yung mga nag te-take ng exam, hindi pwedeng basta basta ipasa yun.  Best example yung med students kasi in the future, they will handle patients at dapat talagang master nila yun.

I just hope na matapos na ang pandemic na ito para bumalik na sa lahat ang dati. Sana hindi na ito umabot ng December, yung ibang bansa na handle nila kahit papano yung virus nang maayos at nakakalabas labas na sila kahit may threat pa rin. Sana tayo rin. Masyadong marami na ang nahihirapan.
I appreciate and understand your opinion regarding mass promotion, if titignan natin yung side ng pagiging academic, yun talaga yung maiisip natin na may mga topics at unfinished exams pang dapat gawin. Marami rin akong unfinished exams sa aking major subject kasi August din ang start ng school calendar namin. Okay sanang hindi mag-mass promotion if tapos na ang ECQ ngayon ngunit extended siya ulit at mahihirapan ng i-adjust dahil super maapektuhan ang next school year and future events ng mga Accredited Professional Organization. Pero, mass promotion does not mean na hindi ka na magcocope-up sa mga subjects na hindi napag-aralan just because they already "passed" the subject. Since college students naman na tayo, I guess we should be more responsible at common thing na dapat sa atin ang mag-aral especially those courses na mahihirap like med and engineering course. Probably, the university will take action para maituro lahat ng mga nakaligtaan kasi alam naman na may mga subjects na prerequisite ng iba pa. Now, I can no longer think about the grades, I just want to ensure my own safety na if ever na hindi mag-suspend, fully-recovered at immune na dapat ang mga tao sa COVID-19. It's not worthy to die on this kind of situation na dahil pinilit mag-resume ng classes kahit hindi pa COVID-free ang pilipinas at mga kalapit na bansa.

Also, kung hindi maiimplement ang mass promotion, I hope na sana lahat ng tao ay may resources pa para makabalik ng paaralan. Iilan diyan wala ng pera pangbili ng pagkain at pamasahe papuntang school especially sa mga nasa state university kasi obvious naman na lahat ng tao ay back to zero at maraming bills na nagiintay sa kanila na magpapatong-patong. Anyways, we have a different stand and this is just my opinion, I really hope na bumalik na sa dati at maka-recover na ang lahat dahil sobrang laking changes nito sa buhay ng estudyante.