Correct me if i'm wrong, I know related ang UITF sa Stocks
Not all UITFs are related to stocks, ang tanging related lang sa stocks ay ang tinatawag ng Equity Fund under UITFs. If may nakita kang UITFs under Money Market Funds at Medium-Intermediate Bond Funds ito yung mga UITFs na nag-iinvest sa assets maliban nalang sa stocks from fixed-deposits to debt instrument ito yung mga assets na kung saan linalagay yung pera ng mga investor. UITFs under Equity Funds lang ang masasabi mo na related sa stocks or ang mga mutual funds lang under Equity Fund ang related sa stocks dahil sila lang yung para dito, bawal sila paghaluin sa ibang asset kasi mahirap mag manage ng ganito fund type and hindi sya stable.
Last Year, Started UITF something offered to me by ******* Bank. Cash in Started by 10K,10K,20k,5K,5K ang changed it by auto debit of 5K per month, currently I stopped this because the market is down and i have the lowest number of incoming clients in my work which is understandable because of COVID-19. So i stopped my UITF and Auto Debit because my UITF gain/losses is now at @-20K .
In my opinion you should stay away from UITFs being handled in the Philippines, bukod sa pagiging conservative at most yung pinaghirapan mo na capital ay maaring mabawasan pa dahil panget ang record nila when it comes to their ROI. To give you a good example ito yung latest performance result ng BDO UITFs under Equity Funds and lahat ng fund type nila dito returned a negative amount for their users.
click the image for the source
Investing in a UITF kumpara sa pag-invest ng sarili mo sa stock market ay wala kang complete freedom sa pag-pili mo kung anong stock yung gusto mong bilihin kasi ang fund manager ang bahala dyan, will this fund manager increase your chances of gaining money securely? Kita naman sa latest result ng BDO na palpak din ang fund manager sa pag-bigay ng magandang return para sa kanilang mga investor. Yes malaking chance kaya bumaba ito kasi down din ang buong PSE since March but that last time I check they are performing poorly bago mag-crash yung market. Also UITFs only limit the potential your money bukod sa wala kang freedom like I said earlier these fund managers are conservative and sometimes do not perform very well, pag nandito pera mo ang dami mong nami-miss na opportunity sa merkado na kung ikaw mismo nag-iinvest.