~
9. Lastly.......Paano po yang notification na parang text message? Kanina pa ako naghahanap wala akong makita na Tutorial.
Notification yan sa Telegram app, kailangan mo mag-subscribe. Kung wala kang app, pwede mo din site kung saan pwede makita kung sino ang nag-mention o nag-quote sa'yo. Check this tutorial -
Notifications: Mention/Quote/Merit
Para sa mga empleyado na covered ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) Program, narito ang paraan para matanggap ang inyong ayuda (Php 5,000 - Php 8,000).
1. PayMaya account ng empleyado
Para sa mga employer at eligible employees: Siguraduhin na tama ang PayMaya account details sa inyong application submission.
2. Cash pick-up arrangement sa MLhuiller (DBP Cash Padala thru MLhuillier)
Para sa mga employer at eligible employees: Siguraduhin na tama ang inilagay na cell phone number sa application submission.
Alamin kung ano ang pinakamalapit na MLhuillier branch: https://mlhuillier.com/branches/
3. Withdrawal mula sa napiling bank savings account (PESOnet participating banks) ng empleyado
Para sa mga employer at eligible employees: Siguraduhin na tama ang inilagay na bank account details sa application submission.
Simula ngayong araw, maaari na rin pong ilagay ng mga employer ang bank account, PayMaya account o cellphone number ng kanilang mga empleyado sa kanilang SBWS application. Sa mga employer na nag-apply sa pamamagitan ng My.SSS, maaari pong i-click ang "Lacking Credentials" tab upang simulan ang proseso ng pagdagdag ng detalye ng empleyado. Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang SBWS ay yung programa kung saan naglaan ang gobyerno ng Php 51 billion para mabigyan ng tulong ang mga 3.4 milyong empleyado ng 1.5 milyong small businesses sa buong bansa na naapektuhan ng quarantine. (
more details)
Yung pamamahagi ng ayuda ay magsisimula ng May 1-15 (1st tranche) at May 16-31 (2nd tranche).
P.S.
Malas niyo na lang kung yung emplyer niyo ay hindi tax compliant. Isa kasi sa requirement para aprubahan yung mga aplikante ay dapat nagbabayad o nagremit ng withholding tax sa huling tatlong taon. Pagkakaalam ko yung withholding tax na tinutukoy dito ay yung tax na binabawas sa mga empleyado monthly/semi-monthly (
meron kasi iba't ibang klase ng withholding tax).