4. Magpost ng mga kalidad. Naalala ko noong nag-sisimula pa lang ako dito sa forum karamihan sa mga kaibigan at kakilala ko ay nagpopost lang para masabing may napost dahil naghahabol. Magpost ng may sense at relevance sa topic na tinatanong, wag basta basta at bara-bara.
Mas mabuting mag post ng nga content na mayroong kalidad kumpara sa pagpopost ng marami na wala namang kalidad at hindi nakatutulong sa forum at sa mga bumibisita dito. Isa pa, ang mga may kalidad na post ang mga mas napapansin ng mga miyenbro, mas maraas ang iyong chance na bigyan ng merit kung ang iyong content ay bago, relevant at nakakatulong.