Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [Discussion] Image ng Bitcoin sa mga tao
by
Text
on 26/04/2020, 11:27:56 UTC
Wala naman kasi atang bitcoin related movies o docu na walang illegal activities na ipinapakita kasi yun na talaga ang nakatatak sa kanila kaya ganito na lang ang image ng bitcoin sa iba. Pero sana marealize at mas maintindihan nila kung ano talaga ang totong pakay nito, hindi dahil sa ilegal na gawain kundi para mapabilis at makatipid sa mga online transactions na ito naman talaga ang isa sa mga layunin kung kaya ito denivelop ta patuloy pa rin...
Karamihan kasi na nakatatak sa utak ng mga tao, gamit sa masama at illegal lamang ang bitcoin. Ang iba ay hindi na ginugustong gumamit nito sa kadahilanang iyan. Pati mga writer at direktor, ito ang ipinakikita kadalasan, marahil siguro mas papatok ang gawa nila kung patungkol ito masamang history ng bitcoin. Gayunpaman, sa tingin ko ay mas maraming mas makakaunawa na hindi lamang puro masama ang bitcoin, na sa katunayan, marami itong tulong sa ating mundo.
Hindi nila naiisip na nasa tao ang mali, ang tao na gumagamit nito ang may kasalanan sa pag gamit nito sa illegal na aktibidad at sinisisi lang sa bitcoin. Isipin na lang nila na kahit nga sarili nating pera ay pwedeng magamit sa ilegal. Yung iba kasi iba rin mag isip eh, mas napapansin nila ang mga nagawang mali o negatibo kesa sa halaga ng isang bagay.