Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paano tanggapin ang pagkatalo sa trade (Bawi tayo mga kaibigan!)
by
plvbob0070
on 26/04/2020, 12:27:01 UTC
Normal lang naman ang natatalo sa trade basta alam mo lang na ma minimize yung lost, kasi kasama ring pinagaaralan talaga yung lost management.
Tama naman ang iyong sinabi at alam rin naman natin na kahit ang mga professional traders ay nagkakaroon parin ng mga losses. Parte na ng mga nagiging trader ang pagkakaroon ng mga losses at hindi naman ito mawawala pero maari naman natin itong maminimize. Mainam talaga na ito ay ating pag-aralan dahil pag hindi mo ito pinagtuunan ng pansin panigurado laging kang makakaranas ng mga malalaking losses. Sa mga binahagi ni OP, kuhang kuha talaga ang lahat ng dapat gawin kung ikaw man ay nakaranas ng pagkatalo sa trade at para sakin ang pakakaroon ng ganitong experience ay mas lalong nakakatulong sakin dahil mas lalo ko pang maunawaan kung paano ba talaga tumatakbo ang trading. Patuloy pa rin akong nag-aaral ng mga iilang pang bagay na patungkol sa trading dahil isa rin itong dahilan kung bakit ako nandito sa forum.