Yes, base din sa region kagaya ng ginawa sa SAP.
Just to clarify SAP =/= SBWS, magkaiba ang target beneficiaries ng dalawang programa.
Scheduled distribution is May 1-31 2020 for tranche 1 & 2. By that time, malamang lahat ng rehiyon ay nasa General Community Quarantine na (hopefully).
Ops. Speaking of SAP, look at how other Filipinos who spent their SAP amidst of enhanced community quarantine and COVID pandemic.
3 nakatanggap ng ayuda, 4 iba pa arestado sa pagsusugal sa Ilocos Norte
PIDDIG, Ilocos Norte - Arestado ang 7 magkakabarangay, kabilang ang 3 nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program ng gobyerno, matapos mahuling nagsusugal sa isang bahay dito sa bayan, Huwebes.
Huli sa aktong nagsusugal ng "Lucky 9" ang apat na lalaki at tatlong babae sa labas ng bahay ng isa sa mga suspek sa Sitio Cagat, Barangay 8 Tangaoan sa nasabing bayan.
Nakuha sa kanila ang P2,582 na perang taya sa sugal at baraha.
Ayon sa mga pulis, tatlo sa mga suspek ang nakakuha ng P5,500 mula sa social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development para sana magamit pantawid sa gitna ng krisis sa COVID-19.
Isang barangay kagawad din ang kasama sa mga nahuli.
Sasampahan ang 7 ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law.
- ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News
Source:
https://news.abs-cbn.com/news/04/24/20/3-nakatanggap-ng-ayuda-4-iba-pa-arestado-sa-pagsusugal-sa-ilocos-norte Eto ang malala,
Babae nahuli sa curfew: SAP cash ginamit sa rebond ng buhok
BOCAUE, Bulacan — Isang babae ang nahuli sa isang checkpoint sa Barangay Binang 2nd bandang 9:30 ng gabi ng Abril 20.
Ginabi daw kasi ang babae dahil sa pagpaparebond ng buhok ngunit kalaunan ay inamin pa na ang ginasta sa parlor ang perang nagmula sa Social Amelioration Program (SAP).
Hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang sinasabing babae na nahuli sa checkpoint na dinala sa presinto ngunit malaunan ay pinauwi na din ng bahay.
Ayon kay kagawad Rico Navarro, nagroronda sila gabi ng Abril 20 nang makita ang nasabing babae habang naglalakad sa kalsada.
Nang kanilang tanungin kung saan ito galing ay ang tugon ng babae na nagparebond siya sa isang parlor.
Malaunan ay inamin pa daw nito na ang perang pinagpa-rebond ay ang natanggap niya na P6,500mula sa SAP na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development.
Ani Navaro, sinabihan nila ang babae kung bakit ginastos sa pagpapa-rebond ng buhok sa halip na gugulin ito sa pambili ng pagkain ay hindi na ito tumugon pa.
Agad nila itong dinala sa presinto dahil sa paglabag sa curfew ngunit pinauwi din kalaunan.
Read more at:
https://punto.com.ph/babae-nahuli-sa-curfew-sap-cash-ginamit-sa-rebond-ng-buhok/ Conclusion:
Mukhang hindi deserving iba sa SAP. Sa kalagitnaan ng krisis at pandemiyang ito, mas nauuna pa ng iba nating kababayan ang luho at sugal. Katulad lang ng pagpunta ng iba nating kababayan dati sa Espanya hindi para mag-aral o gumawa ng kontribusyon laban sa pang-aalipin ng Espanya. Kaya nagalit si Rizal. Tunay nga, history repeat itself.
Ngayon, kawawa talaga yung mga taong nangangailangan na hindi pa nakakakuha ng SAP kasi in case mareprogram yung SAP, apektado sila talaga.