Noong nakaraan lamang, huling speech ni Pangulong Rodrigo Duterte, nabanggit doon na mayroong plano ang gobyerno natin para sa mga taga Metro-Manila. Sabi nila, magkakaroon daw ng "mass relocation"(di ako sigurado sa term), na ang mga taga metro-manila daw ay ipalilipat muna sa mga probinsya. Iniisip ko kung para ito sa ekonomiya, ngunit pano? Mayroon po ba dito na makapagpapaliwanag sa akin tungkol dito? Maraming salamat.
Ingat mga kababayan!
Long Term Solution is to decongest Metro Manila. After kasi ng Pandemic, What will happen? They want to develop Provinces and Open it to attract Companies to Open Business which will create more Job which is actually Good but the thing is the Minimum Wage should be set as par with Metro Manila Minimum Wage. We all know that NCR is one of the Business Center kaya nagsisiksikan ang mga taga probinsya dahil mas malaki ang kita dito.
Yung isa pang gagawin nilang step is pauwiin sa province ang mga nastuck sa Metro Manila During the ECQ, Balik Probinsya Program also wanted to seek people who will settle in their provinces FOR GOOD, that is why Government seeks to develop provinces to create more Jobs.
For Reference
https://newsinfo.inquirer.net/1263881/bong-go-seeks-to-decongest-mm-pushes-for-balik-probinsya-programsAndaming realization sa mga pangyayari ngayon at ewan ko lang kong pano nila ma decongest ang manila kung may provincial rate, at dapat yan muna ang una nilang e waive at gawing pantay ang sahod bawat rehiyon upang ung mga probinsyano e hindi na talaga mahikayat pumunta pa ng maynila upang dun magtrabaho. At isa pa hindi lahat ng probinsya e maganda ang estado lalo na yung mga lugar na may mga rebelde na nanggugolo e tiyak malaking turn off yun sa mga investor dahil mapanganib sa kanila sumugal sa lugar na yun at dapat isa ito sa mga dapat isaalang-alang ng gobyerno dahil madali lang sabihin na e implement ang programa na yan pero in reality babalik parin ang mga probinsyano sa ka maynilaan dahil walang opportunidad sa lugar nila.
Siguro maganda muna ipasa nila ang Federal form of government upang maiwasayos nila ang bawat rehiyo.