Gusto ko lamang ishare sa inyo ang nagawa naming baby thesis ng aking mga kaklase taong 2018, ito ay tungkol sa tingin ng mga tao sa Pilipinas sa cryptocurrency at base sa output ng aming research sa 50 respondents na na interview namin.
Narito ang mga iilang mahalagang bahagi ng pananaliksik:
Abstrak:
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kalagayang ng cryptocurrency sa bansang Pilipinas, ang pananaliksik na ito ay gumamit ng quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa "convenience". Ang bilang ng respondente ay limangpo(50) na may edad na labing-walo hanggan tatlompo na naninirahan sa Valenzuela City. Lumabas sa pananaliksik ang kahiligan ng mga repondente sa pag-gamit ng cryptocurrency dahil sa kakayahan nitong sustentuhan nag kanilang pangangailangan.
Layunin:
Ang pananaliksik na ito ay may layon na alamin ang kahalagahan at kalagayan ng cryptocurrency sa bansang Pilipinas.
1. Alamin ang kahalagahan ng cryptocurrency?
2. Ano ang dulot ng cryptocurrency sa mga tao sa Pilipinas?
Pangkalahatang Problema:
1. Ano-ano ang mga epekto ng pag gamit ng cryptocurrency?
2. Ano ang mga salik na nakakaapekto kung bakit hindi kilala ang cryptocurrency sa ating bansa?
Sa 50 na respondent na iyon ay naghanda kami ng mga iilang katunangan para sa kanila:
1. Ano ang cryptocurrency?
-Karamihan sa mga sagot ng respondent ay sinasabing ito ay tungkol sa pera sa online o kaya masasabing pera ng internet, nasabi rin nila na ang cryptocurrency ay decentralized kung saan ito ay hindi hawak ng asensya ng gobyerno.
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
-Mayroong 39 ang sumagot na nalaman nila ang cryptocurrency ng dahil sa kanilang mga kaibigan at 11 naman ang sumagot na nalaman nila ito dahil sa sariling pagsusuri o pag reresearch.
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
- Lahat ng respondente ay sumagot ng oo, gusto nila ito sa bansang Pilipinas dahil naniniwala ang mga respondante na ang cryptocurrency ay sagot para tumaas ang ating ekonomiya. Malaking tulong ang nagagawa ng cryptocurrency sa bansang pilipinas kaya nararapat itong ipatupad sa Pilipinas.
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
- 43 respondente ay sumagot na ang pag-gamit ng cryptocurrency ay nakakatulong sa kanila para sa kanilang pangangailangan sa buhay.
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
- 30 respondente ang sumagot na dahil karamihan sa mga tao sa Pilipinas ay takot dahil sa pag kakaalam na ito ay isang scam, 20 sumagot na dahil hindi bukas ang isipan ng mga Pilipino sa mabuting epekto nito.
Kung inyong mararapatin nais ko lang malaman ang inyong mga opinyon sa aming mga katanungan sa research na nagawa namin, gusto ko lang malaman kung ano na ba ang opinyon ng ibang tao about sa cryptocurrency ngayong taong 2020. Maari ba kayong maging respondate at sagutin ang mga iilang katanungan na ito?
1. Ano ang cryptocurrency?
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
Magiging malaking tulong ang inyong mga sagot sa naiisip kong darating na research ngayong taon kung sakaling matapos na itong pandemic virus.