If it's compromised, magpapasend lamang sila ng valid IDs for re-verification na ikaw nga talaga ang may control sa account. They don't block accounts dahil lang may change sa activity, at least from what I know sa 6 years kong paggamit sa service. If proofs are sent, the only way I see it eh baka may nasend si OP na coins towards a gambling site. Auto flag sa system ng coins.ph yun, dahil dalawa sa mga kaibigan ko na ang gumawa nyan at na-suspend din ang account nila.
dothebeats confirm ko lang sayo if yung method na pag-deposit (pagsend) ng Bitcoin to a gambling site is yung rason kung bakit na-suspend yung account mo and hindi sa pag-withdraw (receive) ng Bitcion from a gambling site sa Coins.ph wallet address mo? Kasi nakita ko yung post mo dati yung sinabi mo is dahil nag withdraw ka gamit yung Coins.ph wallet address mo. Just to clarify lang kasi it's really bothering me to think that receiving Bitcoin galing sa address na related sa gambling site ay pwede na ma-suspend yung account mo.
They never disclosed why sa totoo lang, pero may pinoint silang isang transaction which I RECEIVED (or withdraw) money from a gambling address (luckyb.it hot wallet AFAIK) dun sa mismong account na yun, plus several sent bitcoins to addresses na hindi ko na alam kung saang services nakakonek dahil ang time-frame na pinakita nila is from 2015-2016. I resubmitted the necessary documents na kailangan nila: 2 valid IDs, proof of income/source of funds tapos proof of address. All in PDF form. Afterwards, sinabi lang nila in person na irereview daw nila yung status nung account at kung ano yung action going forward. A week later, suspended na yung account ko with no explanation sa email whatsoever, at gusto inadvise lang ako na if ever gusto ko makuha yung natitirang balance eh kelangan ko ng affidavit (forgot kung para saan) at ipaprocess yun within 7 business days.
Note: hindi kalakihan yung transaction na nareceive ko sa luckybit back then (2016 yung luckybit transaction, 2018 nasuspend account ko), though against kasi ito sa online gambling regulations ng Pinas. Yung nasabing site eh walang offshore gambling license from PAGCOR kaya siguro eh mainit talaga ito sa mata ng coins.ph team.
That's all I know and that's all I understood when I put two and two together. Hindi ko sure kung ano yung exact reason bakit nila sinuspend pero yung partikular na transaction from luckybit lang talaga ang inemphasize nila. I could be wrong, but for everyone's safety, kung gusto niyong maglaro eh use any other addresses muna kung magdedeposit o magwiwithdraw para lang safe.