Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 2 from 1 user
Topic OP
Ang tatlong posibleng scenerio pagkatapos ng Bitcoin halving
by
mk4
on 05/05/2020, 06:22:48 UTC
⭐ Merited by Theb (2)
Mainit init na topic ang Bitcoin halving nung mga nakaraang araw/weeks dahil sa potential na pagtaas ng price ng bitcoin, at obvious naman dahil sa dami ng threads na napopost tungkol sa halving.

Sa tingin nyo, tataas ba ang presyo ng bitcoin? or bababa temporarily? Alin sa tatlong scenario ang tingin niyong mangyayari sa short-term?


Scenario 1: The FOMO event

Kahit na ang karamihan saatin ay aware tayo sa bitcoin halving, wag nating kalimutang maraming ibang tao sa labas ng industry na hindi nagbabasa tungkol sa bitcoin/crypto araw araw. Assuming na maging trending ung mga articles mga news sites(both bitcoin/crypto-related and non bitcoin-crypto related) concerning ung halving, possibleng magkaroon ng FOMO event.

Also, pwede ring hindi lang para sa non-bitcoin people ung fomo. Pag tumaas ung presyo, baka magkaroon ng positive effect sa mga crypto-people na ung Stock-to-Flow[1] model ni PlanB ay actually accurate, hence pwede silang mag fomo in. Pwede niyong makita ung S2F chart here[2].

Scenario 2: Huge Panic Selling

Since maraming tao ang pumupusta na tataas ang presyo ng bitcoin sa short-term dahil sa halving, imagine niyo na instead of tumaas, bumaba ang price ng bitcoin or nagstay lang at stable prices. Potentially na magpanic sell ang ibang tao dahil hindi nangyari ung pump na ineexpect nilang mangyari. Wag nating kalimutan na masyadong short-term focused ang karamihan ng mga tao.

Isama narin natin ang potential na FUD articles gaya ng "bitcoin hashrate dropped by xx%" pag di tumaas ang price ng bitcoin, hence baka kakailanganin ng ibang miner na i-off ang mining machines nila para hindi malugi.

Scenario 3: The Boring Scenario

Kahit na tingin kong hindi ito ang mangyayari, may possibility parin. Kung saan magsstay flat lang ang price ng bitcoin in the short-term pagkatapos ng halving, na sa sobrang liit ng price movement e hindi magiging big deal sa mga tao.



Quick Final Thoughts

Evident naman na sa past na may positibong epekto ang halving sa price ng bitcoin, so kung ano man ang mangyayari in the short term, hindi rin mag mamatter masyado. Ano tingin niyo?


[1] https://medium.com/@100trillionUSD/bitcoin-stock-to-flow-cross-asset-model-50d260feed12
[2] https://digitalik.net/btc/