Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Home based jobs to grow in PH
by
JoMarrah Iarim Dan
on 08/05/2020, 15:34:24 UTC
Balita kanina na malaki ang chance na tumaas ang employment sa home based jobs.
Etong covid virus ang nagpaalala sa mga companies na dapat na nga silang mag-upgrade.
Malaki talaga ang chance dahil mukang tatagal pa ang quarantine days. Mahirap ng itigil ang quarantine dahil kita naman natin sa ibang bansa, bumabalik at bumabalik ang mga kaso. Mas mabuti na rin ang ganito na nasa bahay lamang. Ako ay nagtatrabaho sa isang kumpanya na napaka-ingat sa mga documents nila. Kahit ang cellphone ay ipinagbabawal sa loob ng aming opisina kaya naman nasa locker lamang ito. Nang naipatupad ang quarantine, matagal din akong natambay lamang sa bahay dahil hindi pa sang ayon ang kumpanya namin sa Work From na Sistema. Maaring picturan daw namin ang mga documents at ipost sa social media or ibigay sa kalabang kumpanya pero makaraan ang dalawang linggo , nagsimula na kaming magWork From Home dahil narealize ng kumpanya na malulugi sila ng malaki at at tatagal pa ang quarantine. Alam ko madami ng kumpanya ang nagpatupad ng maagang work from home pero nada-dagdagan ito dahil nga sa possibilidad na mas tumagal pa ang quarantine.